Friday, June 26, 2009

Dreamland 5.0

Sabi nga nila, bilog ang mundo. Minsan nasa taas tayo, at minsan nasa baba tayo. Hindi talaga natin maiiwasan yung pagiging masaya at malungkot, parte na talaga sya ng buhay natin. At kapag masmaaga natin natanggap ito, masmapapadali ang buhay natin. Tuwing masaya tayo, masaya tayo, at tuwing malungkot tayo hindi natin ito pinapatagal. Lagi nalang nating isipin na sandali lang to.


Nasasa-atin naman bahala kung gusto natin maging masaya o hindi. Nasapananaw natin yun, kung gusto natin pag-isipan lamang talaga ang mga nagpapalungkot sa atin o kaya'y magpasalamat sa mga nagpapasaya sa buhay natin.


Ang pagiging masaya o malungkot ay isang disisyon na ginagawa natin araw araw. Kaya'y oras nang magpili ka kung ano talaga ang gusto mo.


Mag-ingat po tayo,

Harveyson Go

No comments:

Post a Comment